Wednesday, 11 February 2009
Anino ng Kahapon
Katatapos ko lamang magbasa ng isang klasikong nobelang Tagalog at aking napagtanto na ang mga akda na may magagandang wakas ay nagbibigay sa akin ng lubos na kaaliwan. May kalungkutan mang hatid ang mga pangyayari, lalo na yaong umiikot sa kasukdulan, ng kuwento ay napapawi rin agad kapag aking napaghihinuha na may magandang mangyayari sa mga tauhan. Tunay nga na ang pag-asa ay nakakapawi sa anumang pagkakabagabag ng puso't isipan.Sa huling akda na aking binasa, na siya ko ring tinutukoy na klasikong nobela, ay hindi naiwasan ang pagtulo ng mga luha bunga ng pagkakaunawa sa nararamdaman ng mga tauhan, lalo na sa mga pagkakataong tila sumaklob na ang langit sa lupa.
Sa simula'y puno ng pagkayamot ang aking nararamdaman sa pagbabasa subalit nang maglaon ay naging malapit din sa aking puso ang kuwento. Kaya ngayon ay aking masasabi na sa simula ma'y kinamuhian, sa huli ay minahal din... ang akda na katatapos ko lamang basahin.
Music: Martina McBride - I Love You
23:48 Posted in Books | Permalink | Comments (2) | Email this | Tags: literature, filipino

